MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang citywide campaign ng lokal na pamahalaan laban sa Influenza A H1N1 virus upang makaiwas ang mga residente sa sakit na ito.
Inatasan ni Echiverri ang city health department, division of city schools, barangay officials at public information office upang magsagawa ng citywide campaign kontra sa Influenza A H1N1 virus.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng libreng bakuna ang lokal na pamahalaan para sa matatandang residente kung saan nagsimula ang kampanya ng pamahalaang lungsod sa posibleng pagkalat ng sakit sa buong lungsod.
Ayon kay Echiverri, namamahagi ngayon ng babasahin ang city health department kung paano maiiwasan ang Influenza A H1N1.