MANILA, Philippines - Siniguro ni Pangulong Aquino na hahabulin ng gobyerno ang ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.
Sa panayam ng mga reporters na kasama nito sa 7-day US trip, tiniyak ng Pangulo na hindi hahayaan ng pamahalaan na mabaon sa limot ang paghahabol sa nakaw na yaman ng mga Marcoses.
Aniya, palalakasin ng gobyerno at pabibilisin ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang gagawing aksyon upang mabawi ang sinasabing nakaw na yaman.
Magugunita na gumastos lamang ang P-Noy delegation ng $54 para sa kanilang hotdog na pananghalian sa Manhattan taliwas sa ginawang $1 milyon na dinner ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Le Cirque restaurant sa New York.