MANILA, Philippines - Sinuspinde ng tanggapan ng Ombudsman ng anim na buwan ang tatlong opisyal ng Bureau of Customs dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa umanoy kahina hinalang importasyon ng melamine-laced milk sa bansa.
Nakilala ang tatlong Customs officials na sina Customs Operations Officers Emmanuel Reyes, Akmad Noor, at Dante Crisostomo.
Sa siyam na pahinang desisyon, sinabi ni Ombudsman Ma. Merceditas N. Gutierrez na ang kanyang tanggapan ay nakakuha ng sapat na ebedensiya para idiin ang mga akusado sa naturang kaso.
Sinabi ni Gutierrez na habang isinasagawa ang preliminary investigation ng tanggapan ng Ombudsman sa kasong ito, inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga nabanggit.