37,679 pumasa sa nursing exam

MANILA, Philippines - Umabot lamang sa 37,679 ang pumasa sa Nursing Licensure Examination mula sa 91,800 na kumuha ng pagsusulit noong Hulyo.

Nanguna si Ryan Abogado Oliva ng Ateneo de Naga na nakakuha ng 86.80%, Aileen de Los Santos ng STI College, 86.40%, at Allyce Joana de Leon ng University of Santo Tomas, 86%.

Ibinigay ang pagsusulit sa Maynila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Dagupan, Iloilo, La Union, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.

Gaganapin ang oathtaking ng mga nakapasa sa Setyembre 20 at 21, 2010, alas-8 ng umaga at ala-1:00 ng hapon sa SMX Convention Center, SM Mall of Asia, Pasay City.

Show comments