6 Pinoy nasagip sa lumubog na barko sa New Zealand!

MANILA, Philippines - Anim na tripulanteng Pinoy ang nasagip ha­bang tatlo sa kanilang ka­sama­hang dayuhan ang nasawi matapos na lumu­bog ang kanilang sina­sakyang bar­ko sa napa­ka­lamig na ba­hagi ng karagatan sa New Zea­land noong Miyer­kules.

Sa report ng Depart­ment of Foreign Affairs, ang anim na Filipino crew ay na­kilalang sina Jessie Perez, Allan Ilao, Edwin Gonzales, Arnel Amodo, Rolan Rola at isang naki­lala sa pangalang Gam­pa­yon.

Kabilang sila sa 45 sea­farers na sakay ng Korean-flagged fishing vessel Oyang 70 noong Agosto 18 nang maga­nap ang insi­ dente. Ang ibang crew ay mga Korean, Indo­ne­sian at Chinese nationals.

Tatlo pang dayuhang crew ang minalas na ma­sawi dahil sa sobrang lamig at nagyeyelong tubig sa karagatan.

Sa report ng Rescue Coordination Center New Zealand, walang Pinoy ang kabilang sa mga na­sawi at nawawala.

Ang mga tripulante ay nasa maayos na nga­yong kondisyon.

Show comments