MANILA, Philippines - Hiningi na ng Bureau of Customs (BOC) ang tulong ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang kilalanin ang mga empleyado na “nasusuhulan” o sangkot sa tiwaling gawain.
Sinabi ni Customs Commissioner Angelito “Lito” A. Alvarez na malaking papel ang gagampanan ng BIR kapag sinimulan na ng BOC ang pag-lifestyle check sa mga opisyal at empleyado nito upang makilala at maalis ang mga tiwaling empleyado sa kanilang hanay at mabigyang parangal ang mga tapat sa serbisyo.
Tiniyak din ni Alvarez na tutugunan niya ang lahat ng ulat mula sa taumbayan ukol sa mga tiwaling em pleyado na nagpipiyesta sa mga broker at importers.