MANILA, Philippines - Inutos ng Court of Appeals (CA) na ituloy ang kasong bigamya laban sa isang mataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC). Sa 29-pahinang desisyon ni Former Special 23 division ng CA Mindanao na isinulat ni Associate Justice Angelita Gacutan, ibinasura nito ang petition for certiorari ni Customs Subic Collector Atty. Marietta Zamoranos dahil sa kawalan ng merito.
Inatasan din nito si Iligan RTC Branch 6 Judge Oscar Badelles na litisin na si Zamoranos. Iginiit ng Appellate court na hindi umabuso sa kapangyarihan ang Iligan RTC dahil sa kawalan ng hurisdiksyon ng ibasura nito ang motion to quash na inihain ni Zamoranos.
Noong June 2010 ipinag-utos din ng CA 22nd Division ang suspension laban kay Zamoranos mula anim hanggang 1 taon bunsod sa pagpapakasal ng dalawang beses.
Nag-ugat ang kaso noong Agosto 2009 ng magreklamo ang dati nitong asawa na si Samson Pacasum Sr., collector ng Port of Illigan. (