Taga-gawa ng salamin ni P-Noy inilagay sa PRC

MANILA, Philippines - Itinalaga ni Pangulong Aquino ang taga­gawa ng kanyang salamin bilang miyembro ng Philippine Regulatory Commission (PRC) sa board of optometry­.

Nanumpa kahapon kay Aquino sa Malacañang si Dr. Vivian Sarabia bilang miyembro ng board of opto­metry ng PRC. Si Dr. Sarabia ay ang gumawa ng salamin ni P-Noy.

Bukod kay Sarabia, nanumpa din ang 32 opisyal mula sa DTI, DepEd, DOJ, DA, DENR, DOTC, NICA, PCSO, LRTA, at Philippine Sports Commission.

Kabilang sa itinalaga sa PSC ay sina Ricardo Garcia bilang chairman at mga Commissioners na sina Gillian Akiko Thompson-Guevarra, Salvador Andrada at dating­ basketball player na si Joaquin “Chito” Loyzaga.

Show comments