120,000 fighters ilusyon lang ng MILF - AFP

MANILA, Philippines - Ilusyon lamang umano ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang ipinanganga­landakan ng mga itong pag­tataglay ng may 120,000 fighters sa kani­lang mga balwarteng teri­toryo sa Mindanao.

Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Ricardo David, wala rin umanong ‘show of force’ ang MILF rebels tulad ng mga napaulat lalo pa ngayon nasa panahon ng Rama­dan ang mga Muslim.

Hinggil naman sa napaulat na pagsasanay ng MILF sa combat warfare o pakikidigma, sinabi ni David na normal lamang ito at hindi dapat ikaalarma.

Sa kabila nito, tiwala ang Chief of Staff na ma­isusulong ng adminis­trasyon ni Pangulong Aquino ang peace talks laban sa MILF rebels.  

Show comments