MANILA, Philippines - Hindi pinaboran ni Pangulong Aquino ang kahilingang ipagpaliban ang nakatakdang Sangguniang Kabataan at Barangay elections sa darating na Okbtubre.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nais ng Pangulo na matuloy ang nakatakdang SK at barangay elections.
Wika ni Sec. Lacierda, isang panukala din ang isusumite ni DILG Sec. Jessie Robredo sa Kongreso upang hilingin na isabay ang susunod na halalan ng barangay sa Mayo 2013 national elections.
Nakapaloob din sa panukala ni Sec. Robredo na alisin na ang paghahalal ng SK kagawad bagkus ay ang ihahalal na lamang sa susunod na eleksyon ay SK representative na magiging miyembro ng konseho ng barangay.
Makakatipid din anya ang gobyerno ng P800 milyon sa panukalang ito.
Nais ni Pangulong Aquino na matuloy ang SK at barangay elections upang makapili ang mamamayan ng kanilang mga bagong lider sa kanilang komunidad.