Tsino timbog sa shabu

MANILA, Philippines - Inaresto ng Manila Police District (MPD) ang isang 36-anyos na Chinese national matapos na ma­­hulihan ng hinihinalang shabu sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga. Sinampahan ng kasong paglabag sa Article­ 11 ng RA 9165 ang sus­pect na si Li Xiaozu, tubong Fujin, China at nanu­nuluyan sa 1843 C. M. Recto Ave., Sta Cruz, Maynila.

Sa ulat ni Chief Insp. Fernando Opelanio, nag­pa­patrulya ang kaniyang mga tauhan dakong alas-11:30 ng umaga nang matiyempuhan ang suspect na may kausap na isang lalaki din at may kahina-hinalang ikinukubli. Nang  lapitan ay kumaripas ng takbo ang isang lalaki habang napigil naman ang suspect na may hawak na empty playing card box, na may lamang maliit na plastic ng hinihinalang shabu.

Show comments