MANILA, Philippines – Upang maiwasan ang pagtaas ng vehi cular accidents sa kahabaan ng South Luzon Expressway, nagsasagawa ng mga panibagong hakbang ang South Luzon Tollways Corporation (SLTC).
Ayon kay Alma Tuason, tagapagsalita ng SLTC na simula ngayong Agosto ay magsasagawa ng “toll road safety measures” upang labanan ang mga hindi ligtas na pa mamaraan ng pagmamaneho ng mga motorista gaya ng over-speeding.
Lumitaw sa pag-aaral ng National Electronic Injury Surveillance System report na isinagawa ng Department of Health kung saan umaabot sa kabuuang 3,077 road accident-related injuries ang naitala sa first quarter ng 2010 o may 34 katao ang nasusugatan kada araw.
Nanawagan din ang SLTC sa mga motorista na mag-ingat at panatilihin ang tamang etiketa sa lansangan lalo na kapag nagmamaneho sa SLEX.