MANILA, Philippines - Nanawagan ang grupo ng Private Emission Testing Center (PETC) sa bansa sa tanggapan ng Department of Transportation and Communications (DoTC) na manghimasok sa suliranin ng PETC direct connection sa IT system ng Land Transportation matapos magpalabas ng kautusan ang pa munuan ng LTO upang itigil ito. Ayon sa presidente ng grupong Alagaan natin ang Inang Kalikasan, Inc. (ANIKALIKASAN), na may mahigit na 100 miyembro ng mga PETC owners sa bansa na si Rodolfo Susi, lubos umano ang kanilang pangamba matapos na mapaulat ang pagpapatigil sa PETC direct connection facility. Sa liham na ipinadala ng grupo kay DoTC Secretary Ping De Jesus, nagpa hayag ang grupo ng kanilang mariing pagtutol sa disconnection ng PETC direct facility sa halip ay ipinahayag nito ang kanilang suporta dito base sa mga sumusunod na kadahilanan. Ang PETC direct umano ay nagkakahalaga lamang ng P60 kada transaksiyon kumpara sa kasalukuyang sistema na ginagamit ng 4 na PETC-IT providers na P80 bawat transaksiyon. Ang PETC-direct ay isang systema na dinevelop ng LTO upang maging online ang verification ng mga sasakyan gamit ang LTO-IT system, mapapadali din para sa mga PETC operators na makakonekta sa LTO-IT system.