19 kuwestiyunableng flood control proj. nasilip

MANILA, Philippines - Nagpasaklolo na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Department of Justice (DOJ) upang im­bestigahan ang 19 na ku­westiyunableng pro­yekto sa flood control.

Sinabi ni DPWH Secretary Rogelio Singson, ang 19 na proyekto na nagka­kahalaga ng P375 milyon kontrata ay naaprubahan dalawang linggo bago bumaba sa pwesto si da­ting Pangulong Arroyo at hindi na umano maaring irenogotiate at sa halip ay maglalagay na sila ng public bidding.

Pinirmahan umano ang nasabing kontrata noong June 18 at ang Special Allotmen­t Release Order (SARO) ay lumabas noong Hunyo 25.

Sa 19 proyekto, tatlo umanong contractor ang mayroong mahigit sa isang proyekto kabilang dito ang Northern Builders, L.R tiqui builders Inc. at Tokwing construction.

Binigyan naman ni Sing­son ng limang araw ang mga opisyal na sang­kot sa kontrata na mag­sumite ng kanilang ekspla­nasyon.

Show comments