MANILA, Philippines - Dahil sa makabagong South Luzon Expressway, makakatipid ang mga sasakyan ng may 64% pagdating sa maintenance cost sa bagong SLEX highway.
Ayon sa pinakahuling pag-aaral ng South Luzon Tollway Corporation (SLTC), operator ng SLEX, ang bagong 8-lanes SLEX mula Alabang patungo sa Calamba ay nagkakahalaga para sa may-ari ng mga sasakyan ng P5.80 per kilometer lamang para sa maintenance. Sa lumang SLEX, ito ay mataas na P9.09 vehicle maintenance per kilometer.
Sinabi din sa pag-aaral na mababa pa ng 64% lower o P3.29 per km. na savings o katipiran ito para sa mga pribadong motorista at public utility vehicle operators na dumaraan sa kahabaan ng lumang SLEX.
“Taking into account the impending new toll rates of P2.73 per km., motorists still come out with P0.56, already half the cost of an SMS message or one menthol candy,” ayon sa pag-aaral ng SLTC.
Ang natitipid sa vehicle operating cost (VOC) ay tulong na din sa mga pamilyang Pilipino base sa Philippines’ Family Income and Expenditure Survey na isinagawa noong July 2009, na nagpapakita na halos kalahati ng household budget ay napupunta sa gasolina, ilaw at transportasyon.
Sa nasabing report, ang gastusin ng mga Pilipino ay tumaas dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Maging ang mga pamilyang hindi nagmamay-ari ng sasakyan ay gumagastos din sa transportasyon sa pagsakay at pagrenta ng mga sasakyan.
Ang mga nagmamay-ari naman ng sasakyan ay gumagastos sa pagpaparehistro ng kanilang sasakyan para sa lisensya, gasolina, toll, parking at iba pang gastusin kasama sa pagmamantina ng sasakyan.