Ping binigyan ng komite kahit nagtatago

MANILA, Philippines - Kahit wanted sa batas, binigyan pa rin ng komite ni Senate President Juan Ponce Enrile si Senator Panfilo “Ping” Lacson kahit wala pang katiyakan kung kailan sisipot sa Senado.

Ayon kay Enrile, ibibigay niya kay Lacson ang Se­nate Committee on Account na hinawakan rin nito maging noong nakaraang 14th Congress.

Sinabi ni Enrile na kabisado na ni Lacson ang paghawak sa accounts committee dahil lagi naman itong napupunta sa kaniya.

Inihayag pa ni Enrile na ipinabatid sa kaniya ni Lacson na nais muli nitong pamunuan ang accounts committee sa pamamagitan ng chief of staff ng Senador, na si Ronald Jay Lacson, anak ng senador.

Maging si Senator Antonio Trillanes na nakakulong pa rin ay nabigyan ng komite noong 14th Senate kaya wala anyang dahilan upang hindi mabigyan ng komite si Lacson.

Show comments