MANILA, Philippines - Magkakaroon pa ulit ng dalawang sunod na pagbaba sa presyo ng LPG sa susunod na linggo.
Ito ang nakumpirma ng LPG Marketers’ Association dahilan sa patuloy na pagbaba ng halaga nito sa world market.
Sinabi ni LPGMA president Arnel Ty, takda silang magpatupad ulit ng LPG price rollback sa Lunes, Hulyo 19 na aabutin ng 50 sentimos kada kilo at isa pang 50 sentimos sa Hulyo 26 sa mismong araw ng SONA ni Pangulong Noynoy Aquino.
Anya, oras na bumaba ng 50 sentimo ang halaga ng bawat kilo ng LPG, nangangahulugan naman ito ng P6 bawas sa halaga ng LPG na may 11-kilo.
Pinakahuling LPG price rollback ay noong Hulyo 13 kaya nabawasan ng P6 ang halaga ng bawat 11 kilo ng tangke ng LPG.
Sa ngayon ang 11 kilo na LPG ay may halagang P548 at aabutin na lamang ng P536 oras na maipatupad na ang dalawang beses pang rollback sa susunod na linggo.