Litrato ng mga sasakyan na na-emission test hingi ng LTO

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Land Tansportation Office Chief Alberto Suansing sa IT Provider nitong Strad­com Corporation na isu­mite sa LTO ang litrato ng mga sasakyan na isina­ilalim sa emission test ng mga centers na naka-direct connect sa naturang kumpanya.

Layunin ng hakbang na maipakita sa taumbayan na nakikipagtulungan ang Stradcom sa kampanya ng ahensiya na mawalis ang mga mauusok na sasak­yan sa bansa at hindi nag­sa­sagawa ng non-appearance operation.

Binigyang diin ni Suan­sing na kailangang masuri ng kanyang tanggapan ang mga litrato kung tunay ngang nagsagawa ng emis­sion test ang mga centers na nakakonekta direkta sa Stradcom.

Ang Private Emission Test Centers (PETC) IT providers na Etcit, Euro­link, Realtime Data Management Services Inc at Cyber­link ay on-time mag­sumite ng litrato ng emission test results nila sa LTO at ta­nging ang Stradcom na lamang ang hindi nagsa-submit nito.

Show comments