Rep. Gloria nag-'Cha-cha' na

MANILA, Philippines - Tila nanginginig na ngayon sa takot si dating pangulong Gloria Arroyo hinggil sa mga kasong nakatakdang isampa laban sa kanya matapos na mag­hain ng resolution para isulong muli ang Constitutional Convention na mag­reresulta para mabago ang 1987 Constitution.

Katuwang ng dating pangulo ang kanyang anak na si Camarines Sur 1st District Rep. Diosdado “Dato” Arroyo sa pagsu­sulong ng House Resolution No. 8 para sa Con-con. Agad naman na inu­lan ng batikos ang nasa­bing hakbang ng mag-inang Arroyo at halata umanong ginagamit ng mga ito ang Con-con para tuluyang maisulong ang Charter Change.

Sinabi pa rin ng mga kritiko ni Arroyo na kung magtatagumpay ang Cha-cha sa pamamagitan ng Concon ay malaki ang posibilidad na maging Prime Minister ang dating pangulong Arroyo at tiyak na magkakaroon muli ito ng kapangyarihan para manipulahin ang gob­yerno at taumbayan.

Ang nasabing resolution ay isinumite ng isa sa mga tauhan ni Rep.Dato Arroyo.

Sinabi naman ni Rep. Teodoro Casino na tiyak na mana­nagot si GMA sa taum­bayan ngayong wala na itong immunity sa kasong kriminal nang ma­tapos ang kanyang pa­giging pangulo ng bansa.

Show comments