MANILA, Philippines - Nagpetisyon si Mohammed Hussein Pangandaman sa Commission on Elections na iproklama na siyang nanalo sa nakaraang special elections sa Lanao del Sur bilang 1st District representative.
Ayon kay Atty. Ted Pastrana, legal counsel ni Hussein, hindi makatarungan na ipagpaliban pa ang kanyang proklamasyon matapos niyang malamangan ng 3,401 votes ang kanyang closest rival na si Salic Dumarpa.
Dapat nang ideklarang panalo si Pangandaman kung hindi pa magaganap ang eleksiyon sa natitirang 12 barangay sa naturang distrito, sabi ni Pastrana.
Samantala, may kumakalat na spekulasyon na ang natalong kandidatong si Dumarpa ay may kinalaman umano sa kidnaping ni Muralden Yusoph, ang 23-anyos na Imam ni Comelec Commissioner Elias Yusoph na dinukot ng armadong kalalakihan sa Marawi City noong Linggo.
Hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag si Dumarpa ukol sa naturang kaso.