GMA tinawag na 'Macapal-Arroyo'

MANILA, Philippines - Hindi naitago ni Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang ‘pagkainis’ matapos dalawang beses magkamali si DPWH Sec. Victor Domingo sa pagtawag sa kanyang pangalan na naging ‘Macapal-Arroyo’.

Sa ginanap na launching ng librong “Joy Ride” ng DPWH sa kanilang 112th anniversary, habang ibinibida ni Domingo ang mga achievements ng Pangulo ay hindi umano sinasadyang nabanggit nito ang “under the administration of Macapal-Arroyo”.

Napaismid umano ang Pangulo sa tinuran ni Domingo, subalit sa ikalawang pagkakamali ay muling nabulol ang kalihim sa pagtawag sa pangalan ni Pangulong Arroyo na naging “Macapal-Arroyo’ sa halip na Macapagal-Arroyo

Biglang ‘napasima­ngot’ ang Pangulo dahil sa 2 beses na pagkakamali ni Domingo sa pagbanggit ng kanyang pangalan.

Nasa ‘good mood’ pa naman si Pangulong Arroyo na unang pina­ngunahan ang unveiling ng pagbubukas muli ng Metropolitan Theater bago nagtungo sa anibersaryo ng DPWH.

Ayon naman sa ilang DPWH employees, hindi sinasadya ng kalihim ang maling pagbigkas sa pa­ngalan ni PGMA.

Show comments