MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na mag-ingat sa mga fixer na nagkalat sa paligid ng kagawaran at patuloy na nambibiktima ng mga aplikante ng pasaporte.
Ito ay matapos na madiskubre ng DFA-Office of Consular Affairs na bagaman high-tech na ang pagpoproseso ng makabagong e-passport ay patuloy pa rin ang mga sindikato at indibidwal na nanghihingi ng bayad sa mga applicant kapalit ng passport appointment.
Nilinaw ng DFA-OCA na ang pagkuha ng appointment para sa passport processing ay libre o walang bayad.
Ang lahat ng mga kahina-hinalang alok kaugnay sa pagkuha ng pasaporte ay maaaring ireport sa Office of the Passport Director habang ang mga katanungan at kahilingan ay maaari umanong idirekta sa mga tauhan ng DFA-OCA Public Assistance.