MANILA, Philippines - Umaabot na sa 500 tripulanteng Pinoy ang nakidnap sa loob ng nagdaang anim na taon at 40 sa nasabing bilang ay nananatiling bihag ng mga pirata sakay ang may limang barko sa Somalia at Seychelles.
Ayon kay Labor Sec. Marianito Roque na tanging sa Gulf of Aden lamang nakatuong mambiktima ang mga pirata subalit lalong tumaas ang bilang mga naha-hijack na barko dahil umabot na ito sa mga pangunahing karagatan sa Indian at Pacific Ocean.
Naitala ng DOLE na may mahigit 300,000 Pinoy seamen ang naipakalat at sumampa sa iba’t ibang barko.