Testimonial Cabinet meeting may sorpresa kay PGMA

MANILA, Philippines - May inihahandang sorpresa ang miyembro ng Gabinete kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa gaganaping testimonial cabinet meeting sa darating na June 29.

Sinabi ni PMS chief Elena Bautista-Horn sa media briefing, ang huling cabinet meeting ay gaganapin sa June 29 at may sorpresa sila kay Pangulong Arroyo.

Magiging maiksi lamang ang testimonial cabinet meeting at magkakaroon ng salo-salo kasabay ang kanilang sorpresa kay PGMA.

Iimbitahan din nila ang mga dating miyembro ng Gabinete ni Pangulong Arroyo pero naniniwala si Bautista-Horn na malabong dumalo dito ang tinaguriang Hyatt 10 na kinabibilangan nina incoming DSWD Sec. Dinky Soliman at Peace Adviser Teresita Deles ng incoming Aquino administration.

Show comments