Presidential residence ni PNoy ininspeksiyon na

MANILA, Philippines - Nagsagawa na ng ins­peksyon ang transition team ni incoming President Benigno “Noynoy” Aquino III sa Bahay Pangarap sa Malacañang Park na isa sa posibleng maging presidential residence ni PNoy (Pangulong Noynoy).

Kinumpirma kahapon ni Executive Secretary Leandro Mendoza, ginawa ng team ni incoming Executive Secretary Pacquito “Jojo” Ochoa ang inspeksyon sa Bahay Pangarap matapos ang pulong ng transition teams kamakalawa.

Aniya, tinalakay din ang magiging inagurasyon ni PNoy kung saan ay nagsagawa ng presentasyon ang National Historical Institute kaugnay sa naging tradisyon at nakagawian sa turn-over ceremonies.

Pinag-aaralan naman ng transition team ni PNoy ang mga iniharap ng NHI dahil hindi pa nila alam kung saan gagawin ang inagurasyon ni Noynoy sa June 30.

Naunang inihayag ni PNoy na nais nitong gawin ang kanyang inagurasyon sa Quezon Memorial Circle kaysa sa naka­gawiang Quirino grandstand.

Show comments