MANILA, Philippines - Manunumpa kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona si Vice-President elect Jejomar Binay.
Taliwas naman si President elect Benigno Aquino III na manunumpa kay SC Associate Justice Conchita Carpio-Morales matapos unang magpahayag na sa barangay captain manunumpa dahil kabilang ang Punong Mahistrado sa itinalaga ni Pangulong Arroyo bago ito bumaba sa pwesto.
Sinabi ni Corona na may lumapit na sa kanya mula sa kampo ni Binay at humihingi ng kanyang direct line kaugnay umano sa oath taking nito.
Nilinaw naman nito na hindi pa sila direktang nagkakausap ni Binay.
Tanging sina Senate President Juan Ponce Enrile, Caloocan Mayor Recom Echeverri at Mandaluyong Mayor Benhur Abalos ang nagkumpirmang manunumpa kay Corona.
Iginiit pa ni Corona na prerogative pa rin ni Aquino kung saan nito nais na manumpa.