MANILA, Philippines - Inaprubahan kahapon ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang P22 na dagdag sa take home pay ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Sinabi ni NWPC executive director Ciriaco Lagunzad III, matapos ang pag-aaral ng wage board sa Metro Manila ay inaprubahan nito ang P22 na dagdag sa daily basic pay ng mga manggagawa sa MM.
Ayon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board ay aabot na sa P404 ang minimum wage rate sa Metro Manila matapos aprubahan ang nasabing dagdag sahod.
“The adjustment would be added to the daily basic pay, but it will only cover minimum wage earners in private companies in Metro Manila,” ayon pa sa wage board.
Ang nasabing wage increase ay magiging epektibo matapos ang 15 araw o bago matapos ang buwang ito.
Nauna rito, hiniling ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang P75 across-the-board wage increase.
Nadismaya naman ang TUCP dahil sa naging desisyon ng wage board dahil naging minimal lamang ang wage incease.