MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni House Speaker Prospero Nograles na hindi ikokonsidera ng Kongreso ang protesta ng kampo ni Sen. Mar Roxas II hinggil sa ‘null votes’ nito.
“The public controversy regarding the number of ‘null votes’, which were not read by the PCOS (Precinct Count Optical Scan) machines, allegedly numbering more than a million votes for President and an allegedly whopping 2.6 million for vice president, won’t be considered by the Joint Canvass Committee,” ayon kay Nograles.
Sabi pa nito hindi dapat dalhin ang usapin ng protesta sa Kongreso kundi dapat aniya sa Presidential Electoral Tribunal sila magreklamo o mag-petition.
Halos 200,000 boto ang lamang ni Makati Mayor Jejomar Binay kay Roxas sa ginawang canvasssed votes noon June 2. para sa pagka - bise presidente.
Ayon kay Atty. Joey Tenefrancia, abogado ni Roxas na naghahanda na sila ng drafting para sa petition for a random manual audit sa mga lugar na may null votes.
Gayunman, sinabi ni Nograles kaysa dalhin ng kampo ni Roxas sa Kongreso ang kanilang problema dapat aniya sa Presidential Electoral Tribunal sila magpunta at mag-petition.
Sabi ni Nograles, ang problema ni Roxas ay “beyond the function of the joint congressional canvass body.
Hiniling ng kampo ni Roxas na bilangin ng manu-mano ang mga null votes.