PGMA pinasalamatan ng taga-Bacoor

Bacoor, Cavite , Philippines  — Pinasalamatan ni Mayor Strike Revilla si Pangulong Arroyo sa lahat ng tulong na ibinigay nito sa kanilang bayan.

Ginawa ni Mayor Strike ang pasasalamat kay Pangulong Arroyo sa inagurasyon ng Scientia Villas sa Molino 3, Bacoor, Cavite kamakailan.

Sinabi ni Mayor Strike, malaki ang naitulong ng Arroyo government upang umunlad ng todo-todo ang kanilang bayan.

Inatasan din ni PGMA ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pamamagitan ng Executive Order 882 na tulungan ang bayan ng Bacoor tulad ng ginagawa nito sa Metro Manila.

Inaasahan din ng Pangulo na isusulong ni Cavite Representative-Elect Lanie Mercado-Revilla ang cityhood ng Bacoor.

Show comments