3 Pinoy seamen hinostage

MANILA, Philippines - Tatlong tripulanteng Pinoy ang naidagdag na naman sa mga bihag ng mga piratang Somali matapos na ma-hijack ang isang Taiwanese fishing vessel sa karagatang sakop ng Seychelles ng nakalipas na linggo.

Sa report na tinanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Embahada ng Pilipinas sa Nairobi, ang FV Tai Yuan 227 na isang barkong pangisda ay tinangay ng mga piratang Somali na kumikilos sa hilagang bahagi ng Seychelles noong Mayo 13.

Nangingisda ang tatlong Pinoy kasama ang iba pang crew na kinabibilangan ng 9 na Chinese, isang Taiwanese, isang Kenyan at isang Mozambique national nang salakayin ng mga armadong pirata.

Show comments