PNP officers na 'di makakapag-jogging sa 10-palapag na bldg., walang promotion

MANILA, Philippines - Hindi mapo-promote ang mga junior at senior officers ng Philippine National Police (PNP) parti­kular na ang mga colonel at heneral na mabibigong makapag-jogging sa 10 palapag na gusali sa loob ng limitadong oras.

Sinabi ni PNP Chief Director General Jesus Ver­zosa, simula sa buwan ng Hulyo ay isasama na nila sa rekisitos ng mga nag-aambisyong maka­kuha ng key positions sa PNP ang 10 Storey Ascension Fitness Test.

“We encourage them to be physically strong always, if they want to be promoted to key positions they must pass the 10 storey Ascension fitness test,” hamon pa ni Verzosa na likas na mahilig mag-ehersisyo.

Ayon kay Verzosa, ito’y hiwalay pa sa requirement ng Senior Officers Placement and Promotions Board (SOPPB) na seniority at experience.

Sakop ng nasabing Fitness Ascension Test ang mga opisyal na nag-aam­bisyong maging Regional Director, Provincial Director, Chief of Police at Director for Integrated Police Operations (DIPO).

Bukod sa Chief of Police na karaniwan ng may ranggong Inspector, Chief Inspector at Colonel ang iba pang mga nabanggit na posisyon ay may ranggo namang Sr. Supt., Supt. at heneral gaya ng Chief Supt at Director.

Binigyang-diin ni Ver­zosa na mababalewala ang mga mga naipasang kuwa­ lipikasyon ng isang nag-aambisyong key official kung hindi maipapasa ang 10-storey physical test.

Batay sa pamantayan, ang isang aspiring Regional director ay kaila­ngang maakyat ang 10 palapag na gusali sa loob na dalawang minuto at 30 segundo.

Dalawang minuto na­man sa mga nagnanais ma­ging Provincial Director at City Director habang isang minuto at 30 se­gundo sa nais maging Chief of Police.

Show comments