Ginamit na Campaign paraphernalia i-recycle - Recom

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mga residente na i-recycle ang mga campaign materials na ginamit sa katatapos na elek­siyon upang muli itong mapa­kinabangan at hindi makasira sa ating kalikasan.

Kasabay nito, inatasan din ng alkalde ang Environmental Sanitation Services (ESS) na pangunahan ang paglilinis sa mga campaign paraphernalia na ginamit ng mga kandidato sa naganap na eleksiyon.

Ayon kay Echiverri, malaki ang magiging pakinabang ng mga residente kung ire-recycle ang mga ginamit na campaign materials dahil bukod sa maaari itong ibenta ay puwede rin itong magamit sa ibang paraan.

Aniya, bukod sa puwedeng kumita ang mga residente sa mga ginamit na campaign material ay makatutulong pa ang mga ito sa paglilinis ng paligid na isa ring paraan ng pagre­solba sa ating umiinit na klima.

Kaugnay nito, pinakiusapan din ng alkalde ang mga opisyal ng barangay na makipag-ugna­yan sa ESS kung paano sila makatutulong sa paglinis sa kanilang paligid sa mga ginamit na campaign materials sa nakalipas na eleksiyon.

Show comments