MANILA, Philippines - Sinigurado kahapon ni incoming President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III na limitado lamang ang gagawin niyang foreign trips sa sandaling maupo na sa Malacañang.
Ipininta ni Aquino na magiging “boring” ang media coverage sa ilalim ng kaniyang administrasyon lalo na sa hanay ng mga government officials na mahilig maglakwatsa.
Ipinangako ni Aquino na maghihigpit ng sinturon ang kanyang administrasyon at lilimitahan lamang ang biyahe sa abroad, partikular ang mga foreign trips na kalimitan naman umano ay puro paglalakwatsa lamang ang misyon.
Inaasahan na taliwas ang gagawin ni Aquino sa administrasyon ni Arroyo na sa loob ng siyam na taon ay halos nasa abroad kada buwan ang Pangulo, bitbit ang nakakaraming miyembro ng First Family.
Kalimitan rin ay napakaraming kongresista at senador ang umaangkas sa foreign trip ni Mrs. Arroyo.
Isa si Aquino sa mga mambabatas na halos hindi lumalabas ng bansa at ang huli umano nitong biyahe ay noon pang panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.