Aquino, Nantes nilinis ng PASG

MANILA, Philippines - Nilinis kahapon ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang pangalan nina Sen. Noynoy Aquino ng Liberal Party at Quezon Gov. Rafael Nantes sa pagkakaugnay ng mga ito sa Icolog island raid sa lalawigan ng Quezon.

Sinabi ni PASG officer- in-charge Asec. Danilo Mangila, ang operasyon nila sa Icolog island ay hindi illegal drugs kundi dahil sa ulat na transshipment operation at pagtatago doon ng umano’y multi-billion drug dealer na si Anton Ang na may warrant of arrest.

“We never operate against drugs in Quezon or any part of the country for PASG has no authority to conduct raid related to violations of the Comprehensive Drugs Act of 2002. The Philippine Drugs Enforcement Administration (PDEA) has the sole authority to conduct operations against any prohibited substance,” paglilinaw ni Mangila.

Aniya, tumanggap ng ulat ang PASG na ang drug dealer umano na si Ang ay nagtatago umano sa Icolog island at may impormasyon din silang may dumaong na barkong may lulang mga smuggled goods sa karagatan ng Quezon.

Si Ang ay kinasuhan sa Olongapo City Regional Trial Court dahil sa smuggling ng 745 kilo ng shabu na nakumpiska sa Subic hanggang sa nagtago ito.

Umapela din si Mangi­la na huwag gamitin ang PASG sa mga black propaganda laban sa mga national at local candidates.

“I deny any involvement of Governor Nantes and Senator Aquino in drug operation in Quezon for PASG operation in Icolong Island was a downbeat for Ang was not found in the area and no prohibited drugs was uncovered,” dagdag pa ni Mangila.

Nilinaw din ng PASG chief na ang nakuha nila sa Icolog island operations ay mga farm inputs lamang at walang prohibited drugs.

Inihahanda naman ni PASG chief of staff at administration and finance director Jeffrey Patawaran ang magiging hakbang laban sa reporter na nagsulat ng malisyosong artikulo.

Show comments