'Bagong people power, kabaliwan'

MANILA, Philippines - Isa umanong malaking kabaliwan ang bantang people power sakaling magkaroon ng dayaan sa halalan at hindi dapat na patulan.

Ayon kay Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales, hindi umano tama ang ginawang banta ng isang Presidentiable na magkakaroon ng people power kapag nagkadayaan sa halalan. Anya, wala ng dahilan para magsagawa ng panibagong people power dahil iba na umano ang sitwasyon mula ng mapatalsik si dating Pangulong Marcos.

Panahon na umano para maging mature ang mga Pinoy at hindi nagmamadali sa ganitong people power. Kung may duda aniya sa resulta ng halalan, may mga legal na proseso kung saan maaring idulog at hindi basta dinadala sa lansangan.

Show comments