Mar 'manok' ni Quiboloy

MANILA, Philippines - Sigurado na ang pagkapanalo ni Liberal Party Vice Presidential candidate Mar Roxas pagkatapos niyang makuha nitong nakaraang Linggo ang suporta ni Pastor Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ, isang religious sect na naka-base sa Davao City.

Masayang-masaya ang kampo ni Roxas sa paha­yag in Quiboloy, ayon kay LP spokesman Chito Gascon, lalo na’t lagi namang nangunguna si Roxas sa mga survey mula pa sa simula ng kanyang pa­ngangampanya.

Hindi lumalayo sa 40 percent ang rating ni Ro­xas sa mga survey.

Sa katunayan, sa pi­nakabagong Pulse Asia survey na nilathala nitong nakaraang Huwebes, 37 percent ang rating ni Ro­xas, na 9 points ang lamang sa kanyang pinakamalapit na karibal na si Makati Mayor Jejomar Binay.

Nalampasan ni Binay si Nacionalista Party bet Loren Legarda, pero ang mayor naman ay tinutuligsa ng mga akusasyon na siya ay may di maipaliwanag na kayamanan at mga kaso ng katiwalian sa Ombudsman.

Isang araw lang bago ang pahayag ni Quiboloy, sinuportahan rin ng Associated Labor Union (ALU) ang tambalang Aquino-Roxas.

Ang ALU ay ang pina­kamalaking pederasyon na kasapi ng Trade Union Congress of the Philippines.

“Inaasahan naming magiging mas malaki pa ang lamang ni Roxas kay Binay sa pagdating ng eleksyon,” ani Gascon.

Show comments