'3 kings' idinepensa si Villar

MANILA, Philippines - Nagsama-sama ang tinaguriang “tatlong hari’ sa kani-kanilang larangan upang bigyan ng pag-asa at inspirasyon si Nacio­nalista Party standard-bearer Manny Villar na pa­tuloy na inuulan ng pani­nira at black propaganda ng kanyang mga kalaban.

Si “pound-for-pound king” Manny Pacquiao, ang “hari” ng mga noontime shows na si Willie Revil­ lame, at “king of comedy” na si Dolphy ay nagkaisa sa isang commercial sa te­lebisyon upang muling i-endorso si Villar at hikayatin siyang ipagpatuloy ang maganda niyang laban.

Sinabi ni Revillame na maraming mga tao, lalo na ang mga kalaban ni Villar sa pulitika, ang hindi tu­mitigil upang ito ay siraan at wasakin ang kaniyang kandidatura.

Si Pacquiao naman, na ngayon ay kandidato sa pagka-kongresista sa Sarangani, ay nagpahayag ng kaniyang paghanga kay Villar. Pinasaringan din niya ang mga kandidatong walang karanasan at wala pang nagagawang ma­ganda para sa bayan.

Katulad ni Revillame at Pacquiao, muling ipina­hayg ni Dolphy ang kani­yang suporta kay Villar bilang pinaka-kwalipikado upang maging pangulo ng bansa.

Si Villar at ang tatlo niyang taga-suporta ay patuloy na nagiging inspi­rasyon ng maraming mahi­hirap na Pilipino.

Ang kuwento ng kani­lang buhay, na nagmula sa kahirapan tungo sa kagin­hawahan, ay nagiging ha­limbawa para sa nakara­raming Pilipino na magsi­kap at magtiyaga upang gumanda ang kinabu­kasan.

Show comments