MANILA, Philippines - Malalaman na sa loob lamang ng apat na oras ang may 90 porsiyentong resulta ng eleksiyon sa Mayo 10.
Ayon kay Gene Gregorio, spokesman ng Smartmatic, batay sa kanilang karanasan, sa loob pa lamang ng apat hanggang anim na oras o bago maghatinggabi ng May 10, malalaman na kung sino ang nanalong presidente at bise presidente ng bansa.
Nilinaw nito na nag-iingat lamang sila at nais nilang makatiyak kung kaya’t una nilang sinabi na sa loob pa ng 48 oras bago malalaman ang resulta ng halalan lalo sa national level.
Gayunman, nanawagan din ang Smartmatic sa taumbayan na manatiling mapagmatyag sa proseso lalo na sa mga gagamiting makina.
Umapela ito sa publiko na sa May 7 pa lamang kung saan gaganapin ang dry-run, magbantay na at buhayin ang ‘bayanihan’ para sa tagumpay ng eleksyon.