MANILA, Philippines - Pinatunayan ng isang barangay certificate sa Los Banos, Laguna na residente at rehistrado rito si Anthony “Ton” Genuino na kandidatong alkalde sa naturang bayan.
Ito’y matapos na lumabas sa mga pahayagan na isinusulong ng mga kalaban sa politika ni Genuino ang disqualification laban sa kanya sa Comelec dahil hindi siya residente ng Los Baños.
Base sa rekord sa Barangay, sa ilalim ni Chairman Nilo Lapiz, si Genuino ay rehistrado rito simula pa noong nakaraang taon nang magkaroon ng bagong registration para sa 2010 elections.
Totoong si Genuino, anak ng butihing Pagcor Chairman Efraim Genuino, ay naging residente rin ng Makati at tumakbong Konsehal dito noong 2007. Pero pagkatapos noon ay nagparehistro na ang batang Genuino sa Los Baños, gamit ang kanyang residence address na Trace College sa El Danda, Batong Malake, Los Baños..