Biyahe ng PCOS machines nagka-aberya

MANILA, Philippines - Tila nagpapahiwatig rin ng posibleng kabi­guan ang pagbibiyahe ng mga “Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines” ma­karaang mag­ka-aberya ang paglilipat sa mga makina mula bo­dega ng Smartmatic sa Cabu­yao, Laguna tu­ngo sa “sub-hub” nito sa Que­zon City.

Nabatid na pasado ala-1 na ng hapon, hindi pa rin naikakarga sa nag­­ hihintay na limang cargo truck ang may 7,555 ma­kina na da­dalhin sa Tandang Sora, Quezon City. 

Una nang ipinagma­laki ni NCRPO spokesman, Supt. Rommel Mi­randa na dapat nasa bo­dega na sa Tandang Sora ang mga PCOS machine bago mag-tanghali kung saan may walong tauhan ng NCRPO at 15 miyem­bro ng Armed Forces of the Philippines-NCR Com­mand ang nag­bi­bigay ng seguridad dito.

Base sa inapru­ba­hang plano ng Commission on Elections, dapat ibibiyahe lahat ng makina sa wa­long batches mula Miyer­kules hang­ gang Biyer­nes.

Ngu­nit dahil sa mis­komu­nikasyon at prob­lema sa dokumentasyon umano sa pagitan ng Smartmatic-TIM at Co­melec nabinbin ang ope­rasyon.

Naibiyahe rin naman ang unang batch ng mga makina kahapon ng hapon matapos ang matagal na paghihintay.

Natupad naman ang pangako sa mahigpit na seguridad ni Miranda ma­karaang hindi papa­ sukin sa compound ang mga miyembro ng media na nag-cover nito at maging si Supt. Miranda dahil sa kawalan ng “access cards” na iniisyu ng Smart­matic.

Mula sa “sub-hub” sa Tandang Sora, muling ibibiyahe ito sa 743 pre­sinto sa Metro Manila. May ikinabit ring “global positioning system (GPS)” sa mga patrol cars na nag­ bibigay seguridad sa mga cargo trucks.

Show comments