MANILA, Philippines - Nakatanggap ng malaking suporta mula sa Nationalist People’s Coalition, pangalawa sa pinakamalaking political party sa bansa, ang senatorial candidate na isa ring kinikilalang IT businessman at ekonomista na si Joey de Venecia III.
Ayon sa Chairman nitong si Faustino Dy Jr., ay nagdesisyong suportahan si de Venecia matapos mapag-aralan na ang plataporma at pananaw ng Pwersa ng Masang Pilipino senatorial candidate ay kapareho sa NPC.
Inihayag pa ng mga lider ng NPC na nakuha ni de Venecia ang kanilang suporta dahil nakita nila rito ang isang “malinis, may kakayahan at maprinsipyong kandidato na magiging asset ng bansa sa Senado.
“Kahanga-hanga ang track record ni Joey de Venecia. Marami pa siyang maga gawa kapag nanalong senador,” pahayag ni Dy.