Gibo susungkit ng 2.5-mil­yong boto sa Metro Manila

MANILA, Philippines - Susungkit ng 2.5 mil­yong boto si Administration presidential bet Gibo Teo­doro sa Metro Manila para matiyak ang pagka­panalo bilang Pangulo sa halalan sa Mayo 10.

Lumakas ang tsansa ni Gibo na manguna sa karerang pampanguluhan matapos na magtagumpay itong makakuha ng mahigit 250,000 volunteers mula sa ibat ibang lugar ng Kalakhang Maynila.

Sa isang pulong-bali­taan sa Quezon City, sinabi ni Dr. Suzette Salazar, lead convenor ng Palit–Galing Movement, na meron silang 250,000 volunteer mula sa ibat ibang lugar sa Metro Manila.

Community organizing anya ang istilo sa kam­panya ng kanilang grupo hawig sa ginawa ni United States President Barack Obama para matiyak ang pagkapanalo.

“Hindi po kami umaasa sa partido kundi sa mga lokal na organisasyon na naniniwalang si Gibo Teodoro ang may kaka­yahan at kuwalipikasyon para ibangon ang bansa sa kahirapan,” pahayag ni Salazar.

Show comments