Ring bearer ni Noynoy, 35-anyos!

MANILA, Philippines - May napili na si Libe­ral Party presidential bet Benigno “Noynoy” Aquino na magiging ring bearer sa kanilang kasal ni Valenzuela Councilor Shalani Soledad.

Ang 35-taong-gulang na reporter ng Abante Tonite na si Rey “Spy” Marfil ang magdadala ng singsing na sisimbolo sa pag-iisang dibdib niya kay Soledad sakaling magpakasal na sila.

Kalimitang nababanggit ang pangalan ni Marfil na tinatawag niyang “ang aking ring bearer” sa tuwing may press conference si Aquino.

Kilalang malapit si Marfil hindi lamang kay Aquino kundi maging sa kasintahan nitong si Soledad na dating staff ni Sen. Ping Lacson.

“Ang ring bearer natin sarado, tinanggap niya (Marfil) he will wear the complete attire, all white with a bow tie,” biro  ni Aquino.

Dahil sa tawag ni Aquino kay Marfil na “ring bearer”, binansagan na itong “presidential ring bearer” ng mga kaibigang reporter.   

Show comments