Poll result malalaman sa loob ng 10 araw

MANILA, Philippines - Posibleng abutin pa ng 10 araw para mai-release ang official result ng halalan sa Mayo 10, 2010.

Ginawa ng Smartmatic ang pahayag sa isinaga­wang pulong ng mga technical personnel mula sa Comelec, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Kapisa­nan ng mga Brodkasters ng Pilipinas (KBP) at political party representatives.

Lumilitaw sa ipinaki­tang proseso na aabutin ng 10 minuto para mai-download ang isang election return (ER) at kung gagawin ito para sa 77,000 clustered precinct ay mala­mang umano na makum­pleto ang mga ito sa Abril 21, 2010.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Prof. Renato Garcia ng Comelec na maaari pa ring gumawa ng magkakahiwalay na quick count coverage, subalit mananatili itong unofficial hangga’t walang idine­deklara ang poll body.

Samantala, sinabi na­man ng Comelec na mag­tatalaga sila ng 10 call centers para sumagot sa mga tanong ng mga bo­tante sa mismong araw ng halalan.

Maging ang mga Board of Election Inspectors (BEIs) ay maaari umanong tumawag sa call center kung may matu­ tukoy silang biglaang aberya sa proseso ng botohan.

Show comments