MANILA, Philippines - Hinatulang mabitay ng isang Saudi court ang isang Pinoy worker na nakadetine sa Riyadh dahil sa umano’y pagpatay sa kaniyang Sudanese landlord noong taong 2009.
Mismong ang 30-anyos na OFW na kinilala lamang sa pangalang Joseph, tubong Mexico, Pampanga, ang humingi ng tulong sa Migrante-Middle East hinggil sa kaparusahang ipinataw sa kaniya ng hukuman.
Sinabi ni John Leonard Monterona, regional director ng Migrante, Oktubre 2008 nang magtungo sa Riyadh si Joseph upang magtrabaho bilang tile setter.
Gayunman, iniwan umano ng Pinoy ang kaniyang trabaho matapos ang anim na buwang hindi pagpapasweldo sa kaniya.
Nakahanap naman ng trabaho ang Pinoy at nangupahan sa isang kuwarto na pinamamahalaan ng Sudanese national.
Hunyo 2009 nang aksidenteng mapatay ng Pinoy ang biktima matapos na bugbugin siya nito dahil hindi pa makapagbayad ng renta dahil hindi naman umano niya due.
Lumaban umano ang Pinoy na ikinasawi ng Sudanese, kaya’t nakulong si Joseph sa Malaz Central Jail sa Riyadh.
Nitong Abril 13 lamang umano ibinaba ng Saudi court ang hatol kay Joseph.