LAOAG CITY, ILOCOS NORTE, Philippines - Siniguro kahapon ni dating First Lady Imelda Marcos na ‘mamumulot’ ng boto ang kampo ng Liberal Party (LP) sa tinagurang solid north sa darating na May 10 elections.
Sinabi ni Mrs. Marcos sa media briefing, solido ang mga Ilocano kina Sen. Manuel Villar at Sen. Loren Legarda at sa buong tiket ng NP kung saan ay tumatakbo din si Ilocos Norte Rep. Bongbong Marcos bilang senador. “Nagkakaisa ang pamilya Marcos sa pagsuporta sa buong tiket ng NP at buong puwersa kaming nangangampanya para maipanalo sila ditto sa Ilocos region ng milya-milya mula sa kanilang kalaban lalo sa LP.”
Iginiit pa ni Mrs. Marcos, dapat ay tumulong na lamang ang LP sa NP para magkaisa ang mga Filipino upang umunlad ang bansa at hindi magkahati-hati.