MANILA, Philippines - Lumawak ang lamang ni House Speaker Prospero C. Nograles Jr. laban sa kanyang katunggali sa pagka-alkalde ng Davao City na si Vice Mayor Sara Zimmerman Duterte batay sa pre-poll survey ng The Issues and Advocacy Center.
Lumamang ng 11 porsiyento si Nograles sa survey matapos na makakuha ng 45 porsiyentong pagpabor ng mga botante laban kay Duterte na nakakuha lamang ng 34 porsiyento.
Ayon kay Ed M. Malay, director ng The CENTER, ilan sa mga posibleng isyu na nakaapekto sa pre-poll survey ang pagsasampa ng kaso laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Office of the Ombudsman na may kinalaman sa graft and corruption.
Lumitaw kasi umano sa survey na ang 98 porsiyento ng mga respondent ay nakakabatid at na-shock sa mga isyu na kinakaharap ng local government, partikular na ang graft and corruption at human rights violation na may kaugnayan sa summary killings sa lungsod.