Reporter na na-heat stroke, pumanaw na

MANILA, Philippines - Pumanaw na si Ro­mulo ‘ Molly” Angeles, 55, ang reporter ng DZME na na-comatose matapos ma-heat stroke noong Martes habang nagrereport.

Alas 10:30 ng umaga kahapon nang ideklarang patay na si Angeles nang hindi na ito gumising bun­sod na rin ng 24 oras na ibinigay ng mga doktor.

Matatandaan na si Angeles ay na-heat stroke habang nagre-report sa may Ilustrado Restaurant sa Intramuros, Maynila.

Nabatid na may dati nang sakit na hypertension si Angeles at posibleng ang napakainit na pana­hon ang nagpaigting sa kanyang karamdaman.

Show comments