MANILA, Philippines - Umaabot na sa 300 “exclusion cases” ang naipanalo ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal sa Comelec kabilang na ang daan-daang pamilya na ipinarehistro sa bayan ng Rodriguez, Rizal ngunit nadiskubreng mga pekeng residente.
Sa datos ng Rizal Provincial Government, karamihan umano sa mga nadiskubreng iligal na nagpare histro ay buhat sa mga Barangay San Jose at Burgos.
May 40 pamilya ang iligal na naparehistro na guma gamit sa address ni suspended Mayor Pedro Cuerpo at 60 pamilya na guma gamit naman sa address ni Buddy Sibulan, tumatakbong Bokal sa lalawigan.
Nang magsiyasat ang Comelec ay wala namang mga pamilyang nakatira sa naturang mga address. Itinuturing na pasok sa exclusion case ang isang botante sa isang lugar, kung non existent ang inilagay nitong address, hindi na dun naninirahan, o hindi kilala sa lugar ang sinasabing botante na nagparehistro.
Pinatanggal na ng Rizal government ang pangalan ng naturang mga botante sa listahan ng Comelec.