Ikampanya si Gibo! - GMA

MANILA, Philippines - Inutusan na ni Pa­ngu­long Arroyo ang mga mi­yembro ng Lakas-Kampi-CMD na ikam­panya ng husto si dating Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr.

Sinabi ni Presidential Adviser for Political Affairs Sec. Prospero Pichay, ang tanging bilin ng Pa­ngulo sa mga mi­yembro ng Lakas-Kampi-CMD ay ikam­panya at ipanalo ang pambato ng adminis­trasyon gayundin ang vice-presidential candidate na si Edu Manzano at 6 na senatorial candidates nito.

Ayon kay Sec. Pichay, dapat tigilan na ang mga tsismis sa puli­tika dahil walang katoto­hanan ito tulad ng pag­kakaroon daw ng secret deals kay Nacionalista Party standard bearer Sen. Manny Villar.

Siniguro naman ni Albay Gov. Joey Sal­ceda na ang mga governors ay solidong susu­porta at ikakampanya hanggang sa manalo ang mga pam­bato ng administrasyon.

Dumalo si Pangu­long Arroyo bilang honorary chair ng partido sa nasa­bing pulong ng mga go­vernors na ipinatawag ni Salceda upang lumikha ng mga bagong strategy sa nalalabing 1 buwan ng kampanya para masi­guro ang panalo ni Teodoro.

Show comments